FEATURED BLOG

Top 6 Reasons why Everyone Should Bike to Work

Thursday, March 30, 2017

Pagbangon

Ngayon na ang simula nang pagbangon 
Unti-unti na akong aahon
Hinding hindi na muli pang lilingon 
Sa mga nakaraang malalim ang baon
Madami pang pwedeng mangyari 
Pwede namang hindi ka na isali 
Itutuon ko muna ang lahat sa aking sarili
Baka sakaling magkaron ulit ako ng paki
Hindi ko na iikot pa ang aking mundo sayo
Gusto ko nang lahat ng sa ati'y maglaho 
Bahala na kung saan dadalhin nitong bagyo
Kung sa huli man ay magkikita pa din tayo, eh di go
Pero sa totoo, ako pa rin ay lito
Hindi maiwasang masira ang ulo
Isipin ko sa utak ay halo-halo
Pero gustong lahat ng ito ay tuluyan nang maglaho

-
Umpisa
03162017