FEATURED BLOG
Tuesday, August 8, 2017
Bakit Parang Invisible Ang Mga Bisikleta Sa Kalsada?
LMBG Nuvali Ride
LMBG Wawa Dam Ride
Nakakailang bell ka na, minsan napapasigaw pa, minsan nakakasalubong mo na, nagkatitigan pa sa mga mata, pero hindi ka ba nagtataka? Bakit parang hindi ka nila nakikita?
Ilang beses na ba tayong nag bibisikleta sa kalsada at ilang ulit na tayong nagbigay ng babala sa mga nakakasalubong or nakakasabay natin na tayo ay paparating? Bakit parang tayo ay mga multong tila hindi nila nakikita o nararamdaman? Parang mga hangin na hindi maaninag kahit anong pilit, pero mas mabuti pa nga ang hangin dahil kahit papano'y nararamdaman pa din.
Ano nga ba ang mga rason kung bakit nangyayari ang mga iyon? Ang mga sumusunod ay base lamang sa aking personal na karanasan.
1. Pagkat tayo ay Bisikleta lamang.
Siguro, dahil tayo ay pumapadyak lang, tingin nila ay ayos lang na hindi tumabi sa kalsada kasi hindi naman natin sila tatamaan, saka kung tatamaan, hindi naman siguro malakihan kapag nagasgasan. AT hindi tayo katulad ng mga malalaking sasakyan na kapag may nabangga ay siguradong baka sa morgue ang hantungan. Pero minsan, porket maliit lang tayo, hindi nila tayo maysadong pinapansin. Ano nga ba naman tayo? ano nga ba naman tayo kumpara sa mga naglalakihang mga sasakyan sa kalsada?
2. Kawalan ng Respeto ng karamihan sa mga siklista.
Minsan ba nakaranas na kayong masabihan na "bike lang naman yan eh" kaya wala na silang respeto sa atin. Hindi na nila naiisip na kahati nila tayo sa kalsada. Hindi nila naiisip na lahat tayo may karapatan sa paggamit ng kalsada.
Nakakagigil diba? pakiramdam ko talaga invisible ako, pakiramdam ko talaga hindi nila ako nakikita, kahit nakakailang bell at sigaw na ako, pero sila? tititigan ka lang na parang hindi ka nag eexist, anong meron? anong wala? bulag ba sila? bingi ba sila? Kaya minsan, tayo na lang talaga ang dapat mag adjust, kaya ingat ingat na lang palagi sa pag padyak.
Kung may maidadagdag kayo sa mga rason, paki comment na lang para maidagdag natin sa listahan.
Ride safe!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment