FEATURED BLOG

Top 6 Reasons why Everyone Should Bike to Work

Friday, August 11, 2017

Masakit ang First Time


Pasok pa din nang naka bisikleta, bike is life kasi 



ang hapdi nung nadampian ng tubig 


Betadine, laking tulong, pero basic ang sakit! 


                                                                      At last, natapalan na siya. 

Naranasan mo na ba ang unang sakit? Yung hapdi, yung kirot, yung pagpilipit, ang pagkauntog sa sobrang likot, ang paghampas sa pader at sa sahig dahil sa sobrang intense, naranasan mo na bang magkaroon ng pasa sa sobrang sarap pero fulfilling? pakiramdam mo buo ka na, pakiramdam mo isa ka ng ganap na tao. Parang gusto mo pang umisa pa, parang gusto mo pang ulitin pa, kasi sa mga susunod, alam mong hindi ka na masasaktan, kasi naranasan mo na, alam mo na, handa ka na, at mapaghahandaan mo pa lalo ang bawat sakit at hapding paparating at lalasapin. 

Ganito sa mundo ng pagbibisikleta, hindi mo talaga maiiwasan ang sakuna at disgrasya. Halos isang taon na din pala akong nahuhumaling sa mundo ng bike, parang parte na talaga siya ng pang araw-araw kong buhay, parang hindi ko na kayang malayo pa or humiwalay sa kanya. Kapag papasok sa trabaho ito na yung service ko, less hassle, iwas traffic at wala pang gagastusing pamasahe. Pati sa pamamasyal lalo na sa malalayong lugar, bike na talaga ang aking kasa-kasama, parang ang bilis kasing makapunta sa lugar na gusto mong puntahan, ikaw ang master ng sarili mong destinasyon at sasakyan. 

Pero lahat ng bagay o pangyayari ay hindi perpekto. Lahat ng bagay ay hindi puro sarap ang mararanasan at malalasap, lahat ng bagay ay may kasamang sakit. Oo masaya, ang gaan sa pakiramdam, until last night, nung unang beses kong naranasan ang sumemplang. Gabi na, madilim sa kalsada, pauwi na kami ng mga kagrupo ko sa bisikleta, nang bigla kaming natumba ng aking pinakamamahal na bisikleta. Dahil na naubusan na ng charge ang aking ilaw, hindi ko napansin na papalapit na pala ako sa humps, ito yung umbok sa kalsada, medyo tumabingi yung gulong ko kaya natumba kami, maliit na galos lang naman sa siko ang aking nakuha, pero may mga pasa sa ibang parte ng aking katawan, medyo masakit din ang likod, balikat at braso, pero ayos lang. Napaupo ako, at nagtanong sa akin ang isa sa mga kaibigan ko "Okay ka lang? anong masakit sayo?" at ang sagot ko "Ayos lang ako, yung bike ko kaya?" haha, imbis na sarili ang isipin, bike pa din talaga. Pero serysoso, okay lang ako. Masarap mag bike. Pero dapat palagi tayong handa, palaging kumpleto dapat ang ating mga kagamitan kapag tayo ay papadyak. 

Lesson learned, magdala ng extrang ilaw. 

No comments:

Post a Comment