Anong ginagawa mo pagkatapos ng lindol?
Karamihan sa atin ay ang isa sa pinakaunang gagawin ay ang pag oonline or paglo-log-in sa kani-kanilang social media accounts para ipost ang kasulukuyang sakuna na nangyari. Bakit nga ba tayo ganito?
Halimbawa sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Ang lakas ng lindol, nakakatakot.
2. Be safe everyone.
3. Hindi ko naramdaman ang lindol, manhid na ba ako?
4. And any other stuffs related to lindol.
Yung iba parang mga reporter, which is nakakatulong din naman, yung iba naman may magnitude pang kasama, ang bibilis talaga ng mga radar nila. May iba naman idinadaan sa hugot, lalo na yung mga malulungkot. Meron ding mga hashtag king and queens, I know you know what I mean.
Pero, bakit nga ba tayo ganito? Parang nagiging diary na talaga ng bawat isa ang social media, halos kasi lahat nandito na, pati ata ang pagpasok sa banyo ay ipinopost pa, nararamdaman ko, konting-konti na lang talaga, tuluyan na tayong kakainin ng sistema ng social media, o baka nalamon na tayo? nalunok na ba tayo? baka naman na digest na? or baka anak na tayo, anak na tayo ng social media kaya ganon na lang tayo ka-darang sa kanila. Masyado na tayong nagpapapalamon, nagpapagamit, tulad ko habang sinusulat ko to, ipopost ko din ito sa social media para makarating ang mga bawat salitang isinusulat ko at gusto kong ibahagi sa inyo.
Ganito na ba talaga talaga tayo?
Hindi ba dapat ang una nating nararapat na gawin ay ang kamustahin ang ating mga mahal sa buhay kung nasa mabuting kalagayan ba sila pagkatapos ng nangyaring sakuna? Malakas man ito o hindi, nakapinsala man o hindi.
Sana maisip pa din natin ang pinaka basic na foundation ng buhay, ng society, ito ay ang pamilya, bago ang lahat. Pamilya muna.
Just my few cents.
No comments:
Post a Comment