FEATURED BLOG

Top 6 Reasons why Everyone Should Bike to Work

Wednesday, July 26, 2017

Mga Panahong Hindi ka Niya Naaalala


Lumipas ang mga araw na naging abala ka sa ibang gawain. Ang hindi niya pag alala sayo ay hindi mo na napansin. Kamusta siya? Nasa mabuting kalagayan kaya? Masaya kaya siya? Nasa piling na kaya siya ng iba? Nasa ibang kanlungan na ba at nag uumapaw ang ligaya?
Minsan hindi nating maiwasang hindi maging baliw o mag isip ng sobra. Oo, napakadali lang sabihin na "keep yourself busy, makakalimutan mo din siya" pero hindi eh, hindi ganoon kadali iyon. Lalo na kung wala ka naman sa ganoong kalagayan. Kailangan mo itong maranasan at masubukan para alam mo kung ano ang pakiramdam. Kahit sobrnag abala ka sa ibang gawain, kahit ang bente kuwatro oras ay dinadagdagan mo pa ng labing anim, gagawin ang lahat siya lang ay maiwasang isipin.
Ngunit, kahit anong gawin mong pag aabala sa iyong sarili, hindi mo pa rin talaga maikukubli na sa paglapag ng iyong pagod na katawan sa humihimlay mong papag ng higaan, bigla pa din talaga siyang sasagi sa iyong isipan, at magsasalita sa isip at mapapabuntong hininga.. "Ako pa din kaya ang nasa puso niya? O sinta, sana magbalik ka na.."
-
Isip
01262017

No comments:

Post a Comment