FEATURED BLOG

Top 6 Reasons why Everyone Should Bike to Work

Wednesday, July 26, 2017

You'll Learn How to Let Go




Mahirap bumitaw, yan ang palagi nating sinasabi lalo na kung mahal natin ang isang tao o bagay
Kahit ayaw na sa atin, sige pa rin, laban pa din
Kahit isinusuka na tayo, mahigpit pa din tayong kumakapit
At sila ay pinipilit na huwag tayong ipagpalit

Minsan hindi nating mapigilang sisihin ang tadhana
Bakit napakalupit ng kanilang handa
Sa una sobrang saya ng mga alay
Pag naglaon, bigla na lang tumatamlay

"Hindi ko kaya" yan ang sambit mo
"Kakapit pa din ako hanggang sa makakaya ko"
Ngunit hanggang kailan ka nga ba kakapit?
Hanggang sa maranasan mo na lahat ng pait?

Sabagay, mas mabuting namnamin lahat ng pasakit
Nang sa gayo'y masanay na sa poot at sakit
Hayaan mo na, sarili'y huwag nang ipilit
Sigurado, sa kanila'y may naghihintay na kapalit

-
Ahon
01312017

Larawan ni Lui Abanador​

No comments:

Post a Comment